Skip to main content

Posts

Showing posts from 2012

poem: sa mento

tikatik ng mga gamunggong patak mga sapatos na pumapalatak sa mga tubig na pinaghalong darak, dahak, halak, at iba pang di mawaring bagay na sana'y maitulak na lang palabas palabas ng kalsadang bumubulwak bumubulwak ang tubig mula sa kanal palabas. eskrimahan ng mga payong, banggaan ng mga balikat, talsikan ang mga bayong, sabay sabi ng paa mong pinupulikat: "huwag ka nang magpumilit, mababasa ka rin naman" patuloy ang halihaw ng tubig na itim sa kanal na babalik din sa aspal tong kal sada.