Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2011

Kulay berde na ba ang pula?

kulay berde na ba ang pula? naisip ko lang itanong nang banggain mo ang batang tumatawid para bumili ng ice tubig beating the red light ka, tsong, pero ikaw pa ang galit. may mali ba sa paningin mo? o nag-iba lang talaga ang kulay ng pananaw mo? kulay berde na nga ba ang pula? o baka dilaw? kasi iniisip mong hinuhuthutan ka ng pamilya ng pers-honor model student na batang binangga mo. tingin mo ang pera sa kanila'y mahalaga pa sa dugo. baka ibinibintang mo sa kanila ang pagkakaroon ng pananaw na kasing mali ng sa iyo. ilang ulit mo nang sinuway ang batas trapiko dahil lang sinasabi mong VIP dapat ang trato sa iyo kahit lasing ka pwede kang magmaneho basta ba bibigyan si ser ng balato. baligtad na nga ata ang mundo: ang pula, berde na para sa iyo at ang mali, itinama na ng tao.