Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2010

Watch your mouth, son.

'Dre, isa lang ang masasabi ko sa iyo sa pasimula --- Ang tapang mo! *** 'Dre, dun sa text mo sa People's Journal nung Sept. 19, tungkol sa diumano'y korapsyon sa CMU at pagiging "pambalot ng tinapa" ng The Current", pare, pinabilib mo ako sa lupit ng pagkana mo laban sa paaralang pinanggalingan mo (marahil). At least, 'dre, binigyan mo ako ng pagkakataong gumising ng kahit 2 oras sa pagtulog ko kakabasa sa mga comment at note ng mga estudyante ko sa Facebook, at magsalita na rin. *** Pare, halos tama ang ginawa mo. Meron namang probisyon sa Konstitusyon (Art. III, Sek. 7) na nagsasabing lahat tayo ay binigyan ng karapatan ng estado na magpahayag ng ating mga nasasaloob. Totoo yan. Pero, 'dre, hindi yun yung kaso. Inuulit ko. Halos Tama. *** Halos tama, kasi, kung pagbabasihan natin ang mga kaso ukol sa karapatang nabanggit (na pinattern lang natin sa US), lalo na kung babasahin ang Falwell vs. Hustler Magazine, gayundin ni Justice Malcolm sa iba ...