Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2015

Burador ng tula

(Pabatid: Nakikiusap po akong huwag kopyahin ang tula o anumang naisulat sa blog na ito na walang pahintulot mula sa may-ari. Ang post na ito, partikular, ay isa lamang burador at hindi pa nalalapatan ng anumang pagwawasto. Kung nais itong kopyahin, mangyaring magpadala ng email sa ajcmamaril@gmail.com. Salamat.) Ibinabalik ko na sa iyo ang ating mga larawan kasama ang mga panyo na ginamit mo upang pahiran ang aking pawis at luhang pilit mong pinahid upang ipakita ang ganda ng umaga kahit alam mong palubog na ang araw ng aking damdamin. Ibinabalik ko sa iyo ang ating mga larawan kasama ng mga gunita ng mga ngiti na sinundan ng mga pangil at mga kulog ng ating mga tinig na bumaybay tungo sa ating mga dugo mula sa ating mga tainga. At doo'y pumulandit ang ating mga dugo na dumurog sa ating mga laman at mga pangalan. Ibinabalik ko na sa iyo ang ating mga larawan at mga awiting naghayag ng ating mga sumpa na kumitil ng ating buhay sa bawat sambitla. Tapos na a...