Skip to main content

Watch your mouth, son.

'Dre, isa lang ang masasabi ko sa iyo sa pasimula --- Ang tapang mo!

***

'Dre, dun sa text mo sa People's Journal nung Sept. 19, tungkol sa diumano'y korapsyon sa CMU at pagiging "pambalot ng tinapa" ng The Current", pare, pinabilib mo ako sa lupit ng pagkana mo laban sa paaralang pinanggalingan mo (marahil). At least, 'dre, binigyan mo ako ng pagkakataong gumising ng kahit 2 oras sa pagtulog ko kakabasa sa mga comment at note ng mga estudyante ko sa Facebook, at magsalita na rin.

***

Pare, halos tama ang ginawa mo. Meron namang probisyon sa Konstitusyon (Art. III, Sek. 7) na nagsasabing lahat tayo ay binigyan ng karapatan ng estado na magpahayag ng ating mga nasasaloob. Totoo yan. Pero, 'dre, hindi yun yung kaso.

Inuulit ko. Halos Tama.

***

Halos tama, kasi, kung pagbabasihan natin ang mga kaso ukol sa karapatang nabanggit (na pinattern lang natin sa US), lalo na kung babasahin ang Falwell vs. Hustler Magazine, gayundin ni Justice Malcolm sa iba niyang mga kaso, mahalaga sa pagbuo ng isang bansa ang bawat opinyon. Pero sa kasong ito, maging moral naman tayo.

***

May etika sa pagpapahayag, 'dre, baka di mo lang alam. Sang-ayon sa unang bahagi ng PPI Code of Ethics, ang isang mamamahayag ay dapat mabusising hanapin ang kanyang mga datos para maging patas at obhetibo ang kanyang ilalabas sa masa. Kahit ano pa yan. Kahit pa opinyon. Try mong magbasa ng mga artikulo sa diyaryo nang malaman mo.

***

Pwede mo namang idahilan na hindi ka mamamahayag; na nag-ere ka lang ng pahayag mo sa diyaryo, pero para sabihin ko sa iyo, sa ginawa mong yan, nag-engage ka na sa tinatawag nating citizen journalism. 'Dre, nagpaka-journalist ka na sa lagay na yan.

***

At kahit na hindi, 'dre, tingnan mo, ang dami mong tinamaang tao. Galit sa iyo ngayon yung mga nagpakahirap bumuo ng diyaryong yan. Di birong effort yung ginawa namin ni Ma'am Sheila dyan sa paumpisa. Hanggang ngayon na solong kargo na lang ni Ma'am Sheila ito. Natural lang yun. Pero sana pre, kung binira mo kami, objective mo sana kaming binira. Yung may basis naman.

***

Kaso hindi, 'dre eh. Wala ka man lang pinakitang datos. Puro tingin. Puro pananaw. Walang ebidensya. Walang totoo. Lumipad lang sa ere at nanakit na parang lamok ang mga salita mo. Parang lamok talaga. Masakit lang pero walang saysay.

***

Oo, the truth hurts, pero wag mong ibungad sa amin yan. Kung magtatapang-tapangan ka rin lang, 'dre, ituluy-tuloy mo na. Hinahamon kita. Magpakita ka ng ebidensya ng korapsyon kung meron. Magdala ka ng saku-sakong ebidensya at mga batas na magiging sandigan kung tama ka o mali. Ipakita mo sa batas. Huwag mo muna dalhin sa media. Ilantad mo ang sarili mo at yung basehan ng alegasyon mo kung talagang matapang ka.

***

'Dre, hindi ako magsasayang ng ganitong oras para sa iyo kung hindi mahalaga para sa akin ang CMU at ang The Current. Sa tingin ko, ganun rin yung mga estudyante ko na nagpost ng comment at note. Kaya wag mong sayangin yung oras namin. Kung wala kang ebidensya, walang katuturan ang tinext mo. Puro ka lang satsat.

Busalan mo na lang yang bibig mo sa susunod na may maiisip ka pero wala kang ebidensyang panghahawakan --- yan ay kung ayaw mong makita ang sarili mong kinakain lahat ng sinabi mo.

Comments

Anonymous said…
I agree with you sir. .
Whoever he is, he has the right to express what he feels but of course with basis.

If you can read the whole message, he even mentioned the name of Dean Angelica Triguero na "baldado, ginagamit ang posisyon at anti-student pa".

In the first place, Dean is not inutil or baldado. Napakabigat ng mga ibinibintang niya.

In the second place, she definitely is not an 'anti-student' because she even gave 1,000 pesos for our literary portfolio coming from her own pocket. Although there are instances that she gave questionable grades to students that really make their heads hot but that's a part of her job as a professor.

Maaaring naging matapang siya para ibunyag ang hindi kanais-nais na kalagayan ng City of Malabon Unversity dahil na rin sa pulitikang umiiral sa administrasyon ng lungsod ng Malabon hindi lamang sa CMU, ngunit nagpahayag siya ng saloobin na hindi man lang inaalam kung bakit ganun ang itsura ng aming dyaro. Bakit niya pa kailangang gumawa ng mga mapanirang alegasyon laban sa aming Dean.

Why don't he send a column to the People's Journal about what is really happening in the university because of our privy politicians and administrators if and only if he is indeed a 'bonafied student' of CMU who is aware of what are really happening in his alma mater.

Popular posts from this blog

Some Musings

I was diagnosed with General Anxiety Disorder and Adjustment Disorder with Depressed mood back in October and I am trying to fight it by giving myself a little mental reset, i.e. sick/vacation leave. My doctor prescribed some meds to keep me sane as I go through these since most likely, this will be a lifelong condition. Right now, I am away from all that stresses me out and it helps to take a step back and not confront everything head on everyday, which is kind of my daily grind.  Having to embrace the grind everyday took its toll on me earlier than most of my peers... Or so I thought. Probably, some of them has my condition too but don't know if that really is the case, or denies having it, but then, who knows? Anyway, most people would probably asking what is wrong with embracing the daily grind. Nothing, really, I'd say, but of course, our brains can only take so much. Plus, I unknowingly cause myself some harm by trying to think too hard, or simply trying a little too hard...

Burador ng tula

(Pabatid: Nakikiusap po akong huwag kopyahin ang tula o anumang naisulat sa blog na ito na walang pahintulot mula sa may-ari. Ang post na ito, partikular, ay isa lamang burador at hindi pa nalalapatan ng anumang pagwawasto. Kung nais itong kopyahin, mangyaring magpadala ng email sa ajcmamaril@gmail.com. Salamat.) Ibinabalik ko na sa iyo ang ating mga larawan kasama ang mga panyo na ginamit mo upang pahiran ang aking pawis at luhang pilit mong pinahid upang ipakita ang ganda ng umaga kahit alam mong palubog na ang araw ng aking damdamin. Ibinabalik ko sa iyo ang ating mga larawan kasama ng mga gunita ng mga ngiti na sinundan ng mga pangil at mga kulog ng ating mga tinig na bumaybay tungo sa ating mga dugo mula sa ating mga tainga. At doo'y pumulandit ang ating mga dugo na dumurog sa ating mga laman at mga pangalan. Ibinabalik ko na sa iyo ang ating mga larawan at mga awiting naghayag ng ating mga sumpa na kumitil ng ating buhay sa bawat sambitla. Tapos na a...

Some few reflections (posted on my FB page as "Changes"

Snake: I follow the will of the leader, no matter who's in charge Boss: People aren't the ones who dictate the missions. Snake: Then who does? Boss: The times. - Metal Gear Solid 3 ******* I have not done my reflections in the past, but I guess this is the perfect time to do it. Perfect because the series of things that have happened to me the past week was sort of life-changing. Is this post necessary? Not much, but try to scroll down and read. In the last few years of my life, a lot of people close to me tell me that I must "change" for the "better", and recently, I was involved in an argument where the other party pushes me to be like the latter. Of course I was mad about it because what that person wants is for me to become the opposite of who I am now. It will be a complete 180 degree turn. People will say that I must change because if you love the person, you must change for that person. For me that is repression, not unless ...