Skip to main content

Kulay berde na ba ang pula?

kulay berde na ba
ang pula?

naisip ko lang itanong
nang banggain mo ang batang
tumatawid
para bumili ng ice tubig

beating the red light ka, tsong,
pero ikaw pa ang galit.
may mali ba sa paningin mo?
o nag-iba lang talaga ang kulay
ng pananaw mo?

kulay berde na nga ba ang pula?
o baka dilaw? kasi iniisip mong
hinuhuthutan ka ng pamilya ng pers-honor model student na batang
binangga mo.
tingin mo ang pera sa kanila'y mahalaga pa sa dugo.

baka ibinibintang mo sa kanila
ang pagkakaroon ng pananaw
na kasing mali ng sa iyo.

ilang ulit mo nang sinuway ang batas trapiko
dahil lang sinasabi mong VIP dapat ang trato sa iyo
kahit lasing ka pwede kang magmaneho
basta ba bibigyan si ser ng balato.

baligtad na nga ata ang mundo:
ang pula, berde na para sa iyo
at ang mali, itinama na ng tao.

Comments

Popular posts from this blog

Some Musings

I was diagnosed with General Anxiety Disorder and Adjustment Disorder with Depressed mood back in October and I am trying to fight it by giving myself a little mental reset, i.e. sick/vacation leave. My doctor prescribed some meds to keep me sane as I go through these since most likely, this will be a lifelong condition. Right now, I am away from all that stresses me out and it helps to take a step back and not confront everything head on everyday, which is kind of my daily grind.  Having to embrace the grind everyday took its toll on me earlier than most of my peers... Or so I thought. Probably, some of them has my condition too but don't know if that really is the case, or denies having it, but then, who knows? Anyway, most people would probably asking what is wrong with embracing the daily grind. Nothing, really, I'd say, but of course, our brains can only take so much. Plus, I unknowingly cause myself some harm by trying to think too hard, or simply trying a little too hard...

Burador ng tula

(Pabatid: Nakikiusap po akong huwag kopyahin ang tula o anumang naisulat sa blog na ito na walang pahintulot mula sa may-ari. Ang post na ito, partikular, ay isa lamang burador at hindi pa nalalapatan ng anumang pagwawasto. Kung nais itong kopyahin, mangyaring magpadala ng email sa ajcmamaril@gmail.com. Salamat.) Ibinabalik ko na sa iyo ang ating mga larawan kasama ang mga panyo na ginamit mo upang pahiran ang aking pawis at luhang pilit mong pinahid upang ipakita ang ganda ng umaga kahit alam mong palubog na ang araw ng aking damdamin. Ibinabalik ko sa iyo ang ating mga larawan kasama ng mga gunita ng mga ngiti na sinundan ng mga pangil at mga kulog ng ating mga tinig na bumaybay tungo sa ating mga dugo mula sa ating mga tainga. At doo'y pumulandit ang ating mga dugo na dumurog sa ating mga laman at mga pangalan. Ibinabalik ko na sa iyo ang ating mga larawan at mga awiting naghayag ng ating mga sumpa na kumitil ng ating buhay sa bawat sambitla. Tapos na a...

Some few reflections (posted on my FB page as "Changes"

Snake: I follow the will of the leader, no matter who's in charge Boss: People aren't the ones who dictate the missions. Snake: Then who does? Boss: The times. - Metal Gear Solid 3 ******* I have not done my reflections in the past, but I guess this is the perfect time to do it. Perfect because the series of things that have happened to me the past week was sort of life-changing. Is this post necessary? Not much, but try to scroll down and read. In the last few years of my life, a lot of people close to me tell me that I must "change" for the "better", and recently, I was involved in an argument where the other party pushes me to be like the latter. Of course I was mad about it because what that person wants is for me to become the opposite of who I am now. It will be a complete 180 degree turn. People will say that I must change because if you love the person, you must change for that person. For me that is repression, not unless ...